Baby Saints nakabalik na sa Final Four sa NAASCU
MANILA, Philippines - Nakarating ang St. Clare Baby Saints sa semifinals nang tumapos sila sa ikatlong puwesto sa idinadaos na 11th NAASCU basketball.
Ito ang ikalawang pagkakataon lamang mula 2007 na umabante ang Baby Saints sa Final Four na kung saan makakatapat nila ang alinman sa University of Manila o Fatima School.
“I’m very proud of my players, they’re playing well even though they’re very young compared to their opponents,” wika ni Baby Saints coach Mark Herrera na siya ring head coach ng Quezon City team na 5-peat Jr. PBA champion.
‘I always believe in my players even though almost 80 percent of them are rookies and young. Good defense wins games,” dagdag pa ni Herrera na tinutulungan sa bench nina Benjie Diswe, Edwin Ancheta at Andrew Magandi.
Naabot din ng Baby Saints ang kinalulugaran ngayon dahil sa lubusang suporta ng team owner at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) treasurer Dr. Ernesto ‘Jay’ Adalem, na presidente rin ng naturang liga.
“With the all-out support of Dr. Adalem, I expect my players to play inspired basketball in the semifinals,” ani pa ni Herrera.
- Latest
- Trending