^

PSN Palaro

Pumaren nag-resign na sa La Salle

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nagbitiw na bilang head coach ng La Salle si Dindo Pu­maren.

Kasama niyang umalis sa koponan ang mga assistants na sina Jack Santiago, Tonichi Yturri at Lawrence Yulo matapos mabigo sa ha­ngaring maibalik sa Final Four ang Archers.

Nasa ikalawang taon pa lamang si Pumaren ngunit na­pilitan siyang magbitiw dahil sa tinamong 5-9 karta lamang ng Archers sa pana­hong marami ang nagsasabing mas malakas ang ka­nilang lineup kumpara sa 2010 season.

Kumubra ng 8-6 karta ang Archers sa unang taon ni Pumaren noong 2010 at umabot sa Final Four pero nasibak sila sa kamay ng FEU.

Tinanggap naman ng pa­munuan ng La Salle ang resignation ng mga coaches sa kanyang ipinalabas na statement.

Napasok si Pumaren na dati ay coach din ng UE nang magbitiw ang naka­ta­t­andang kapatid na si Franz matapos ang 2009 season.

Samantala, magpapasikatan ang walong paaralan sa cheering sa gagawing 2011 UAAP Cheerdance Competition ngayon sa Araneta Coliseum.

Ganap na alas-3 ng hapon itinakda ang tagisan at ang UP Pep Squad ang magbabaka-sakaling mapa­natili ang titulong napanalunan noong nakaraang taon.

 Tinalo ng UP ang FEU at UST noong 2010 dala ng magandang pagsayaw ga­mit ang temang “Hala Bira”.

Mapapalaban ang State University dahil lahat ng mga kasali ay tiyak na naghanda sa kanilang presentasyon sa pangunguna nga ng UST gamit ang Salinggawi Dance Troupe na magsi­si­­kap na dagdagan ang ha­wak ng walong titulo pero ang huling titulo ay nakuha noon pang 2006.

Hindi rin pahuhuli ang host Ateneo na balak na kunin ang kauna-unahang cheerdance title sa panahong sila ang punong abala ng liga.     

Ang La Salle, National University, UE at Adamson ang iba pang kasali na magiging palaban din sa kampeonato.

Namuro naman ang Adamson University sa posibleng ikatlong sunod na titulo sa UAAP women’s basketball nang hiritan ang UST ng 53-45 panalo sa Final Four kahapon sa Blue Eagle Gym.   

Humablot ng 26 rebounds kasama ang 4 blocks at 11 puntos si Anna Buendia habang nangungu­nang 15 puntos at 13 boards naman ang ginawa ni Snow Penaranda para panguna­han ng number two seeds na Lady Falcons ang ka­nilang dominanteng laro at maunang makapasok na sa championship round.

Humirit naman ang fourth seeds La Salle ng rubbermatch sa top seed Far Eastern Univesity sa pamamagitan ng 57-54 tagumpay sa isa pang laro.

ADAMSON UNIVERSITY

ANG LA SALLE

ANNA BUENDIA

ARANETA COLISEUM

BLUE EAGLE GYM

FINAL FOUR

LA SALLE

PUMAREN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with