^

PSN Palaro

Baste vs Army sa korona

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Tuluyan nang dumiretso sa finals ang San Sebastian College at ang Philippine Army nang muling manaig sa kani-kanilang laro sa Fi­nal Four patungo sa pagtatakda ng kanilang championship showdown para sa 8th Shakey’s V-League Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan.

Tinalo ng San Sebastian ang Philippine Navy, 25-23, 25-18, 25-, samantalang pinayukod ng Army ang Ate­neo De Manila University, 25-19, 25-21, 25-22, upang walisin ang kanilang mga best-of-three semifinals series.

Hangad ng Lady Stags ang kanilang ikalawang kampeonato matapos mag­reyna sa second conference noong Season 5 laban sa UST Tigress. 

Humataw si Thai import Jeng Bualee ng 23 hits, tampok rito ang 21 kills, para pangunahan ang San Sebastian, giniba ang Navy sa Game One, 25-20, 34-32, 25-22, noong Linggo, samantalang tumapos naman si American Lauren Ford, ang leading scorer at spiker ng torneo sa kanyang 18.9-point norm, na may 10 attacks.

Nagdagdag si Jennifer Manzano ng tatlong service aces para itala ang kanyang 12 points sa pagliligpit ng Lady Stags sa Lady Sailors sa kanilang best-of-three semifinals series.

Nabigo naman si dating MVP Aiza Maizo, pumalit sa na-injured na si Nene Bau­tista, na matulungan ang Navy sa kabila ng kanyang team-high 17 points, kasama rito ang 15 kills.

Tumapos si Suzanne Roces na may 14 hits para sa Lady Sailors, samantalang may pinagsamang 15 points sina Cecile Cruzada at Michelle Laborte.

Nagtumpok ng pinagsamang 16 points sina Joy Benito, Dafna Robinos at de Leon para sa San Sebas­tian.

Nauna namang tinalo ng Lady Troopers ang Lady Eagles, ang first confe­rence champions mula sa isang 25-10, 25-21, 25-19 tagumpay sa Game One.

vuukle comment

AIZA MAIZO

AMERICAN LAUREN FORD

CECILE CRUZADA

DAFNA ROBINOS

DE MANILA UNIVERSITY

GAME ONE

JENG BUALEE

LADY SAILORS

LADY STAGS

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with