SEA Games, basketball sa PSA forum
MANILA, Philippines - Ang mga top officials ng Philippine delegation para sa 26th Southeast Asian Games at ang Petron Blaze Boosters ang magiging panauhin sa lingguhang PSA Forum sa Shakey’s U.N. Ave, Manila.
Ibibigay ni assistant Chef de Mission Julian Camacho ang pinakahuling balita sa SEA Games kasama si assistant Chef de Mission Romeo Magat.
Makakatuwang naman ni coach Ato Agustin ang kanyang mga Boosters sa pagbahagi ng kanilang panalo kontra Talk `N Text sa katatapos na 2011 PBA Governors Cup Finals sa public sports program na isinasaere sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng Smart, PAGCOR, Outlast Battery at Shakey’s.
Magiging bisita rin sa pang alas-10:30 ng umagang sesyon si cue artist Lee Van Corteza na naghari sa Goldenbreak 9-ball invitational tournament sa Kuala Lumpur, Malaysia.
- Latest
- Trending