Star Group, 100Plus namayani
MANILA, Philippines - Iginupo ng STAR Group of Publications ang Makati Medical Center, 107-72, habang binigo ng 100Plus ang Duraville Construction, 105-49, sa 2011 MBL Corporate Cup basketball tournament sa San Andres gym sa Malate, Manila.
Limang Starmen, may 1-1 rekord ngayon, ang umiskor ng doble pigura sa pangunguna ni Jong Bondoc na may 19 points.
Nagdagdag naman si power forward Randel Reducto ng 14 markers kasunod ang tig-10 nina Chris Corbin, Wayne Tabang at Mario Geocada para sa Starmen nina team manager Mike Maneze at coach Alfred Bartolome, na nanggaling sa 80-84 kabiguan sa Parola Maritime-Micah Medical Clinic sa opening day ng torneong inorganisa ni Manila Sports Council (MASCO) chairman Paul Almario at suportado ng Ironcon Builders, Cebuana Lhuillier, WG Diner at PRC Couriers.
Si dating Philippine team mainstay Richard Melencio ang gumabay sa Makati Med sa kanyang game-high 23 points, habang may 14 si Ronnel Liwanag at 12 si Richard Bisnar.
Humugot naman ang Phillip Yulo-mentored 100Plus ng 16 markers kay Jeoff Divinagracia, 14 kay Champ Pujante at 12 kay Rhum Perry Scott to upang talunin ang Duraville.
Star Group 107--Bondoc 19, Reducto 14, Corbin 10, Geocada 10, Tabang 10, Rodriguez 9, Reyes 7, Sangalang 7, Coquilla 7, Ortega 6, Martinez 7, Roque 2.
Makati Med 72--Melencio 23, Liwanag 15, Bisnar 12, Boy 11, Caoli 4, Millete 2, Del Pilar 1, Almares 0, Marcellino 0, Agustin 0, Pagarigon 0.
Quarterscores 35-12, 61-26, 81-51, 107-72.
- Latest
- Trending