^

PSN Palaro

3 dikit na world championship pakay ng Cobra-PDBF sa US

-

MANILA, Philippines - Umalis na nitong Lunes ng gabi ang Cobra-Philippine Dragon Boat Federation para lumahok sa 10th International Dragon Boat World Championships sa Tampa, Florida mula Agos­to 3 hanggang 7.

“Naghanda kami talaga para sa labang ito at kahit na ano pa ang kondisyon ay handa ang mga bata,” ani head coach Nestor Ilagan.

Ang Pilipinas ay kam­peon sa 200-meter men’s division sa huling dalawang world championships gamit ang record time.

Gumawa ng 42.16 segundo ang men’s team sa 2007 World Championships sa Sydney, Australia at sa 2009 edition sa Prague, Czech Republic ay naka­pag­­sumite ng 40.02 segundo marka para mapanatili ang kampeonato.

Nagdomina rin ang Pi­li­pinas sa mixed event sa 200m sa Prague para magkaroon ng dalawang gintong medalya.

Ang mga kasapi ng men’s team na nanalo sa 2009 ay nagbalik para pa­ngu­nahan ang kampan­ya ng Pilipinas sa kompetisyong katatampukan din ng mga mahuhusay na ro­wers mula Canada, US, Germany, China, Australia at Czech Republic.

Bukod sa 200m ay lalahok din ang koponan sa 500m at 1000m distansya.

“We’re pleased that Cobra-PDBF now has the opportunity to win more titles, set more world records and bring more glory and honor for our country,” wika naman ni Mike Ngo ng Asia Brewery AVP for Marketing, Media and Budget.

Ang Philippine Air Lines ang siyang sumagot sa pa­masahe ng koponang katatampukan ng 25 rowers habang ang Cobra Energy Drink naman ang sasagot sa gastusin, sa tutuluyan at pagkain.

ANG PHILIPPINE AIR LINES

ANG PILIPINAS

ASIA BREWERY

CZECH REPUBLIC

DRAGON BOAT FEDERATION

DRAGON BOAT WORLD CHAMPIONSHIPS

MEDIA AND BUDGET

MIKE NGO

NESTOR ILAGAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with