^

PSN Palaro

Revilla nahirang na UAAP Player of the Week

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Tunay na nakabangon na si LA Revilla mula sa banig ng karamdaman.

Hindi nakalaro ang point guard ng La Salle sa 73rd season dala ng pagkakaroon ng diabetis at hyperthyroidism.

Pero ngayong nakakapaglaro na siya, naipapakita niya ang kanyang angking husay para tulungan ang Green Archers sa kasalukuyang 3-2 karta.

May three-game winning streak ang tropa ni head coach Dindo Puma­ren at dalawa ay kinuha sa mga lar­o nitong nagdaang linggo.

Si Revilla ang siyang bumandera sa koponan upang hirangin siya bilang ACCEL-3XVI UAAP Press Corps Player of the Week na handog rin ng Gatorade.

May 19 puntos, 6 steals, 5 rebounds at 1 assists si Revilla nang manalo ang La Salle sa National University, 74-63, bago naghatid ng 10 puntos, 4 rebounds, 2 assists at 2 blocks nang mangibabaw ang Green Archers sa UE, 87-63.

“Gusto ko lang maipakita na kaya ko pa ring makipag-compete. Nais ko rin tulungan ang aking paaralan na manalo sa liga,” wika ni Revilla.

Tinalo ni Revilla para sa parangal na ibi­nibigay ng mga mamamahayag na kumo­kober sa 74th UAAP men’s basketball si na Jaerlan Tampus ng La Salle, Emannuel Mbe ng NU at Alex Nuyles ng Adamson.

ALEX NUYLES

DINDO PUMA

EMANNUEL MBE

GREEN ARCHERS

JAERLAN TAMPUS

LA SALLE

NATIONAL UNIVERSITY

PRESS CORPS PLAYER OF THE WEEK

REVILLA

SI REVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with