^

PSN Palaro

Dodie Boy, Peñalosa Jr. kontra kay Kiatpracha

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Matapos ang ma­ta­gumpay na boxing career ni­na Dodie Boy at Gerry Pe­ñalosa, si Dodie Boy Pe­ñalosa, Jr. naman ang susubok na makamit ang nakamtan ng magkapatid na world boxing champions.

Nakatakdang harapin ng 21-anyos na si Dodie Boy, Jr. ang 34-anyos na si Kong Kiatpracha ng Thailand sa Agosto 6 sa Man­daue Sports Complex sa Ce­bu City.

Dala ni Dodie Boy, Jr. ang kanyang 5-0-0 win-loss-draw ring record kasama ang 5 KOs kumpara sa 5-8-1 ni Kiatpracha.

“Marami pa siyang dapat i-improve kagaya ng defense at footwok niya,” sabi ng kanyang amang si Dodie Boy, Sr. (31-7-2, 13 KOs) na ang tunay na pangalan ay Diosdado.

Si Dodie Boy, Sr. ang nag­kampeon sa IBF light flyweight at flyweight division.

“Lahat ng dapat ibigay sa kanya ay ibibigay natin para makatulong sa boxing career niya,” wika naman ng tiyuhin ni Dodie Boy, Jr. na si Gerry (55-8-2, 37 KOs) na naghari sa WBC su­per flyweight at WBO ban­tamweight class.

Upang lalo pang kuminang ang boxing career ni Do­die Boy, Jr., isinama siya sa undercard ng banggaan nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa Nobyembre 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“Of course, nandoon ang pressure. Malaki ang expectations sa akin. Pero siyempre, kumpiyansa ako sasarili ko dahil sa suporta ng pamilya ko,” ani Dodie Boy, Jr.

Ang laban ay isasaere ng GMA 7 sa Linggo.

Nagposte si Dodie Boy, Jr. ng 27-0-0 (20 KOs) slate sa kanyang amateur ca­reer.

BOY

DODIE

DODIE BOY

DODIE BOY PE

GERRY PE

JUAN MANUEL MARQUEZ

KONG KIATPRACHA

LAS VEGAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with