^

PSN Palaro

Pinoy paddlers tuloy ang pagsagwan sa US kahit...

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Maski walang tulong-pi­nansyal mula sa sport agency at suporta mula sa Olympic committee ay magsisikap pa rin ang koponan ng Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) na makapagbigay ng karangalan sa bansa.

Ito ay sa pamamagitan ng kanilang paglahok sa bigating 10th IDBF World Dragon Boat Racing Championships na naka­takda sa Agosto 1-7 sa Tampa, Florida, USA.

Ang mga paddlers, nag­­hari sa men's 200-me­ter event sa 2007 at 20­09 World Dragon Boat Championships sa Sydney, Australia at Prague, Czech Republic, ayon sa pagka­kasunod, ay suportado ng Philippine Airlines at Cobra Energy Drink.

Ipinoste ng grupo ang world record time na 42.16 segundo sa Sydney, Australia at 40.02 naman sa Prague, Czech Republic kung saan rin nila nakuha ang gintong medalya sa mixed division.

Sa kabila ng pagkuha sa qualifying time na iti­nakda bilang kriterya ng Philippine Olympic Committee (POC) ay hindi pa rin sila pinayagang makasali sa 2010 Asian Games sa Guangzhou, China.

Hindi rin pumayag ang PDBF na mapasailalim sa ca­noe/kayak federation na ipinag-uutos ni POC pre­sident Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. na siyang tu­luyang nagpatalsik sa grupo sa POC.

“Ipagpapatuloy pa rin na­min ang pag-compete para sa bansa natin kahit na wala silang suporta sa amin,” sabi ni PBDF pre­sident Marcia Cristobal sa POC at PSC.

Ang 25-man team ay pinangungunahan ni team captain Usman Ante­rola kung saan ang mga miyem­bro nito ay nagmula sa Philippine Army, Navy, Air Force, Coast Guard per­sonnel at ilang civilian women paddlers.

AIR FORCE

ASIAN GAMES

COAST GUARD

CZECH REPUBLIC

DRAGON BOAT CHAMPIONSHIPS

DRAGON BOAT FEDERATION

DRAGON BOAT RACING CHAMPIONSHIPS

MARCIA CRISTOBAL

PHILIPPINE AIRLINES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with