^

PSN Palaro

Bagong FIBA rules gagamitin sa NAASCU

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Pangungunahan ng Na­tional Athletic Association of Schools, Colleges and Universites (NAASCU) ang pagtuklas ng mga mahuhusay na basketbolista sa bansa.

Mangyayari ito dahil ipaiiral ng liga ang pagbi­bigay karapatan sa mga 18-anyos na basketbolista na maglaro sa high school teams kahit nag-aaral na ang mga ito sa kolehiyo.

“Bagong rules ito ng FIBA at 18-under ang age bracket sa juniors division. Gagawin namin ito sa NAASCU para ang mga manlalarong nasa ganitong age group na nasa kolehiyo pero ‘di mabigyan ng pagkakataong makapaglaro sa ibang liga ay may tsansang maipakita ang angking hu­say,” wika ni Mel Garrido ng STI nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s UN Avenue.

Nasa ika-11th taon na ang NAASCU at itinuturing bilang ikatlong pinakamagandang collegiate league sa bansa kasunod ng NCAA at UAAP.

“Kung sa pag-produce siguro ng talent sa basketball ay nakakahabol na kami. Patunay rito ay ang mga panalong nakukuha ng NAASCU teams laban sa NCAA at UAAP sa mga pre-season tournaments. Sa bagong age limit, mas makakatulong pa kami sa pag-expose ng mga pla­yers,” ani pa ni Garrido.

Sampung koponan ang maglalaban-laban para sa titulo sa taong ito at ang University of Manila ang siyang nagdedepensang kampeon.

Ang iba pang kasali ay ang runner-up na STI, New Era College, Fatima, Pamantasan ng Lungsod ng Pasay, Informatic College, AMA Computer, Centro Escolar University at host school St. Clare.

Ang ikasampung koponan ay ang baguhang Grace College.

Bubuksan ang liga sa Biyernes sa Makati Coliseum sa ganap na alas-8 ng umaga at ang seremonya ay katatampukan ng pagbisita ni PBA commissioner Atty. Chito Salud at Sama­hang Basketbol ng Pilipinas executive director Sonny Barrios.  

ATHLETIC ASSOCIATION OF SCHOOLS

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

CHITO SALUD

COLLEGES AND UNIVERSITES

GRACE COLLEGE

INFORMATIC COLLEGE

MAKATI COLISEUM

MEL GARRIDO

NEW ERA COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with