^

PSN Palaro

Fisher tiwalang maaayos ang NBA lockout

- Ni Russell Cadayona -

Manila, Philippines - Walang NBA player ang gustong makaranas ng lockout.

Sinabi kahapon ni De­rek Fisher ng Los Angeles Lakers, ang pangulo ng NBA Player’s Association, na ang gusto lamang nila ay maglaro at bigyan ng magandang laban ang mga basketball fans.

Subalit may trabaho rin silang dapat gampanan sa kanilang hanay.

“For us basketball pla­yers, we just want to play and make our fans happy and continue the progress the league is enjoying in the last two seasons,”sabi ni Fisher, ang pinakamatandang NBA player na kasama sa NBA selection sa Smart All-Star Weekend. “But as much as we want to just play, we pla­yers also have to do our responsibility.”

Nauwi sa lockout ang darating na NBA season nang mabigo ang grupo ng mga NBA players at NBA team owners na maplantsa ang isang collective bargaining agreement.

Sa kabila ng pagkaka­roon ng lockout, kumpiyansa si Fisher na mare­resolbahan rin ito ng NBA Players Association at ng mga NBA team owners.

“We’ve got to negotia­te what is a fair deal for us players as well as for the future NBA players,” sabi ng 36-anyos na si Fisher, kinuha ng Lakers bilang 24th overall noong 1996 NBA Draft kasabay si five-time champion Kobe Bryant.

Si Bryant ay kinukuha na rin ng Turkish club na Besiktas para maglaro sa kanilang liga sa Turkey ha­bang nananatili ang NBA lockout.

Bukod sa Lakers, nag­laro rin si Fisher sa Golden State Warriors at Utah Jazz. 

BESIKTAS

GOLDEN STATE WARRIORS

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

NBA

PLAYERS ASSOCIATION

SHY

SI BRYANT

SMART ALL-STAR WEEKEND

UTAH JAZZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with