^

PSN Palaro

Texters nadiskarga sa Llamados sa Dubai

-

DUBAI--Iginiya ni import Parnell Hinson ang B-Meg para sa kanilang 111-105 panalo laban sa Talk N Text noong Huwebes sa 2011 PBA Governors’ Cup sa Al Shabab Sports Club dito.

Nagtala si Hinson ng 9 of 25 shooting sa kanyang debut game para sa B-Meg subalit ang kanyang magkakasunod na tres sa third quarter ang nagresulta sa 21-1 atake ng Llamados, iniwanan ng Tropang Texters ng 11 points sa first half.

“We played bad parti-cularly in the first quarter partly because we couldn’t run our play the way we’re supposed to and the guys sort of lost their poise. But the good thing is, we picked our game when we have to,” wika ni B-Meg coach Jorge Gallent.

“He played well. I’m sure Darnell will still get better once he has settled down with the team. His exactly the right fit for us,” pagpuri ni Gallent kay Hinson.

Tumapos si Hinson na may 26 points at 12 rebounds para sa 3-2 baraha ng Llamados, habang may 3-1 naman ang Tropang Texters.

Umiskor si James Yap ng 32 points mula sa kanyang 12 of 21 shooting para sa B-Meg kasunod ang 17 ni Mark Pingris, humablot rin ng 12 rebounds, habang may 16 markers si Joe Devance.

Tumipa si Jason Castro ng 24 points para sa Talk ‘N Text sa itaas ng tig-20 nina Ranidel de Ocampo, Harvey Carey at import Maurice Baker.

Nawala sa mga kamay ng Tropang Texters ang momentum sa second half dahilan sa pananamlay ng kanilang depensa laban sa Llamados.

Ang kabiguan ang pumi-gil sa kanilang three-game winning streak.

Nakalapit ang TNT sa 89-91 agwat mula sa isang 3-pointer ni Baker sa 7:30 sa fourth quarter ngunit isang 12-3 ratsada ang isinukli ng B-Meg sa likod nina Devance at James Yap, pu-mukol ng magkakasunod na 3-pointers.

At mula rito ay hindi na nakadikit pa ang Tropang Texters.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang nakikipaglaban ang Tropang Texters sa Barangay Ginebra Gin Kings sa Al Shabab Sports Club.

B-Meg 111--J. Yap 32, Hinson 26; Pingris 17, Devance 16, Simon 9, Allado 4, R. Yap 3, Reavis 2, Villanueva 2, Gaco 0, Fernandez 0.

Talk N’ Text 105-- Castro 24, Baker 20, De Ocampo 20, Carey 20, Williams 10, Alvarez 4, Fonacier 3, Alapag 2, Aban 2, Peek 0, Lao 0, Oreta 0.

Quarters: 21-29; 53-56; 82-74; 111-105.

AL SHABAB SPORTS CLUB

B-MEG

BARANGAY GINEBRA GIN KINGS

DE OCAMPO

HARVEY CAREY

HINSON

JAMES YAP

JASON CASTRO

LLAMADOS

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with