^

PSN Palaro

PSL sasabak sa Universiade

- Ni Robbie M. Pangilinan -

MANILA, Philippines -  Isang 15-man team ang isasabak ng Diliman Preparatory School Swimming Center at ng Philippine Swimming League para sa 26th Summer Universiade, ang kinukunsidera na Olympics para sa mga collegiate level, sa Agosto 12-23 sa Schenzen, China.

Sinabi ni DPS president at chief exe­cutive officer at dating Senador Nikki Coseteng na ang UAAP champion na University of the Philippines ay magpapadala ng pinakamalaking delegasyon.

Ang mga UP varsity swimmers ay kina­bibilangan nina Robert Steven Villanueva, Sean Michael Garchitorena, Gerald Alvin Alcover, Orpheus Magbanlac, Ma. Claire Adorna, Dennice Juliet Cordero, Antoinette Aquino, Carla Beatriz Grabador at Jacklyn Judith Junio.

Makakasama nila sa delegasyon sina coaches Noel Rivera at Bernardo Cavida.

Ang iba pang kasama sa delegasyon ng DPSS-PSL ay sina Denjylie Cordero, Kimberly Briones at Ajirulla Jaitulla ng University of the East kasama si coach Dennis Cordero. Nasa grupo rin ang Cebu star na si Loren Dale Echavez ng University of San Carlos.

Ang komposisyon ng koponan ay aprubado ng Federation of School Sports Associations base sa rekomendasyon ni Coseteng.

AJIRULLA JAITULLA

ANTOINETTE AQUINO

BERNARDO CAVIDA

CARLA BEATRIZ GRABADOR

CLAIRE ADORNA

DENJYLIE CORDERO

DENNICE JULIET CORDERO

DENNIS CORDERO

DILIMAN PREPARATORY SCHOOL SWIMMING CENTER

FEDERATION OF SCHOOL SPORTS ASSOCIATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with