^

PSN Palaro

Patrombon babawian si Takeuchi sa F3 Futures netfest

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines -  Tatangkain ni Jeson Pa­trombon na bawian si Kento Takeuchi sa pagki­kita ng dalawa sa pagsisimula ng F3 Futures sa Jakarta, Indonesia.

Si Takeuchi ang siyang nagpatalsik kay Patrombon sa second round ng F2 Futures na nilaro sa Surabaya, Indonesia noong na­karaang linggo sa 6-2, 6-1 iskor.

Sixth seed ang 23-an­yos na Japanese netter na nakarating hanggang semifinals sa nagdaang kompetisyon pero mismong si coach Manny Tecson ay kumbinsido sa napipintong pagbawi ni Patrombon na isa nang seeded player sa torneong ito.

“We are looking forward to this return match. Jeson and I have talked about our strategy against Kento, I be­lieve he (Patrombon) has learned from his first match against Takeuchi and he will make the necessary adjustments to beat him,” wika ni Tecson.

Sa singles lamang ka­kampanya si Patrombon sa torneong ito na sinahugan din ng US$10,000 dahil ang napupusuan na kapa­rehas sana ng pambato rin sa juniors ng bansa na si Fil-Am Dennis Lajola ay umatras sa paglahok dala ng matinding diarrhea.

Tangka ni Patrombon na manalo upang makakuha ng mahalagang puntos at maiakyat ang kanyang men’s ranking na ngayon ay nasa ika-1,562 puwes­to.

FIL-AM DENNIS LAJOLA

JESON AND I

JESON PA

KENTO

KENTO TAKEUCHI

MANNY TECSON

PATROMBON

SHY

SI TAKEUCHI

SURABAYA

TAKEUCHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with