^

PSN Palaro

Romero suportado ng 11 directors

-

MANILA, Philippines - Para punan ang pagkakabakante sa pu­westo ng pangulo, 11 directors na ang nag­sanib at lumagda sa isang letter of sup­port na nag-eendorso kay Harbour Centre CEO Mikee Romero upang ma­ging ba­gong pangulo ng Philippine National Shooting Association (PNSA).

Ang 11 directors na nanggaling sa iba’t ibang grupo ay kumpiyansang magiging magaling na pinuno si Romero sa pagsalo sa naiwang posisyon ni dating long-time president Art Macapagal, ang two-time Olympian na bumitaw sa kanyang puwesto.

Dahil si Romero ay isang life-time mem­ber ng moving target association, umaasa ang mga directors mapagtitibay ang pagluluklok kay Romero sa Board sa pagpupulong ng mga miyembro ng Board bukas.

Ang MTA, pinamumunuan ni James Chua, ay naunang nagnomina kay Romero bilang miyembro ng Board matapos ang pagbibitiw ni Adel Samson kasama pa ang waivers nina multi-titled Jaime Recio at Jerry Sun bilang mga miyembro ng MTA committee.

Upang ipakita ang kanilang suporta, higit sa mayoridad ng MTA members, kabilang rito si Olympian Jethro Dionisio, ang pumirma sa petisyon mula sa kontribusyon ni Romero sa shooting association bukod pa ang kanyang karangalang naipapakita sa mga local at international competitions.

Matapos lagdaan ng 11 directors ang manifesto, agad na nakipagkita si Romero kay Philippine Olympic Committee (POC) president Jose “Peping” Cojuangco no­ong Huwebes kung saan siya binigyan ng pagkakataong talakayin ang kanyang programa kung siya ay tuluyan nang ma­iboboto bilang PNSA president.

“It was a positive meeting and I like to thank Mr. Cojuangco for his candid thoughts and for sharing his vast sports experience to me,” wika ni Romero, ang “Godfather” ng Philippine basketball team na kumuha sa gold medal sa 2007 SEA Games.

Ilan sa mga solid backers ni Romero ay ang pistol group ni Tac Padilla at ang rifle aggrupation ni Col. Danilo Gamboa.

Maski si Macapagal ay suportado ang kandidatura ni Romero, may-ari rin ng Philippine Patriots-- ang inaugural champion ng ASEAN Basketball League (ABL).

ADEL SAMSON

ART MACAPAGAL

BASKETBALL LEAGUE

DANILO GAMBOA

HARBOUR CENTRE

JAIME RECIO

JAMES CHUA

JERRY SUN

ROMERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with