^

PSN Palaro

Pasay, Taguig asam ang Zone berth

- Ni Vernie Fuentes -

Manila, Philippines - Iinit pa ang tagisan sa unang puwesto sa South Zone sa pagharap sa mga mahahalagang laro ng Pa­say at Taguig sa pagpapatuloy ngayon ng 2nd Coca Cola Hoopla NCR Championship.

Kalaban ng Pasay (4-1) ang nagdedepensang Muntinlupa (4-2) sa ganap na alas-4 ng hapon sa Pasay Sports Complex habang ang Taguig (3-2) ay makikipagbunuan sa Parañaque (0-6) alas-6 sa Duenas Gym, Taguig.

Umiskor ng 20 puntos sina Gio Ramos at Kenneth de Vega nang kunin ng Pasay ang 90-73 panalo sa Muntinlupa sa unang tagisan habang dinurog din ng Taguig ang Paraña­que, 87-66, sa naunang pagtutuos.

Tanging ang Quezon City (East) lamang ang nakatiyak nang puwesto sa limang koponang double round Inter-Zonal na siyang magdedetermina kung sino ang hihiranging kampeon ng 2011 at maibulsa ang P20,000 premyo.

Ang iba pang pinapaboran na uusad sa susunod na yugto ng kompetisyon ay Antipolo (West), Caloocan (North) at Mandaluyong (Central) ay nakikipagtagi­san pa habang isinusulat ang balitang ito.

May twice to beat ang nasabing mga koponan sa mga nakalabang Taytay (West), Valenzuela (North) at San Juan (Central) para sa puwesto sa Inter-Zonal.

Ang aksyon sa Inter-Zonal ay magsisimula sa Mayo 29.

vuukle comment

COCA COLA HOOPLA

DUENAS GYM

GIO RAMOS

INTER-ZONAL

MUNTINLUPA

PASAY

PASAY SPORTS COMPLEX

QUEZON CITY

SAN JUAN

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with