^

PSN Palaro

Ateneo, Adamson unahan sa Game 1

- Ni ATan -

Manila, Philippines - Unahan sa paghawak ng mahalagang 1-0 kala­mangan ang paglalaba­nan ngayon ng Ateneo at Adam­son sa pagbubukas ng 8th Shakey’s V-League First Conference Finals sa The Arena sa San Juan City.

Kapwa may kani-kani­lang motibasyon ang magkabilang koponan upang makatiyak na magiging m­ainit at kapana-panabik ang aksyong mapapano­od sa ganap na alas-4 ng hapon.

Bago ito ay magpapang-abot muna ang La Salle Bacolod at National University sa alas-2 ng ha­pon para sa ikatlong pu­westo.

Hanap ng Lady Eagles na makuha ang kauna-unahang kampeonato sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

Ikalawang pagkakataon na tumungtong sa best of three finals ang Ateneo at nais din nilang balikan ang Lady Falcons na tumalo sa kanilang championship series para sa 2008 first conference title.

“Patutunayan namin na handa na ang Ateneo na manalo ng titulo sa liga,” wika ni rookie coach Charo Soriano.

Sa husay kina Alyssa Valdez, Kesinee Lithawat, Gretchen Ho, Fille Cainglet at Jamenea Ferrer sasandal ang Lady Eagles para pigilan naman ang hanga­ring ikalawang sunod na kampeonato ng Adamson sa ligang suportado rin ng ACCEL at Mikasa.

Hindi naman kinakabahan si Lady Falcons coach Dulce Pante lalo nga’t mga beterano ang kanyang man­lalaro.

Kapag nangibabaw nga ang Adamson sa Ateneo sa seryeng ito, masasamahan nila ang La Salle bilang mga koponang may tatlong titulo sa liga.

vuukle comment

ADAMSON

ALYSSA VALDEZ

ATENEO

CHARO SORIANO

DULCE PANTE

FILLE CAINGLET

GRETCHEN HO

LADY EAGLES

LADY FALCONS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with