Riders na kano sa Pinas
BALDWIN PARK, California--Nakatakdang bumisita sa bansa ang Amerikanong motoracers na sina Jake Locks, Tiger Lacey at Dennis Stapleton para sumali sa ikalawa at ikalimang yugto ng World Motocross 2011 Series sa Lanao del Norte.
Ang SEL-J Sports, ang nangungunang tagapagtaguyod ng motocross sa Pilipinas, ang nag-organisa ng racing series kung saan ang mga elite motocross riders ng bansa ang makakatapat nina Locks, Lacey at Stapleton.
Ang tatlo ay mga international superstars ng American Motocross Association (AMA). Inisponsoran ng pangulo ng SEL-J Sports na si Jay Lacnit ang tatlong riders mula Amerika sa katatapos pa lamang na Las Vegas Super Cross.
Bibisita sa bansa ang tatlo hindi lamang upang lumahok sa Enersel Forte Philippine National Motocross Series at World/Motocross Series, kundi upang magsagawa din ng mga seminar sa freestyle event ng motocross.
Ang first leg ng Motocross Series na ginanap sa Sta. Barbara, Iloilo noong Abril ay ang una sa apat na international races na nasa 12-leg circuit.
Ang grand finale ay nakatakda sa Disyembre sa world-class na MCC racetrack sa Lanao Del Norte.
Ang Lanao del Norte din ang nag-host ng kauna-unahang international motocross sa bansa noong Disyembre 2010.
- Latest
- Trending