Arum naasar kay Mosley
LAS VEGAS - Seryoso ba si Bob Arum nang sabihin niyang tumulong si Shane Mosley sa pagpapalipad ng isang four-seater plane mula sa Big Bear sa California hanggang dito sa Las Vegas?
Totoo ito at hindi siya natuwa.
“I found out about it this morning and I went crazy,” sabi ni Arum mula sa ibabaw ng isang makeshift ring sa main lobby ng MGM Grand Hotel.
Sinabi ng legendary promoter na umalis si Mosley sa Big Bear gamit ang isang maliit na eroplano kasama ang isang pilot at isang kaibigan.
Posibleng isang boksingero rin ang kasama ni Mosley sa kanyang pagbiyahe patungo rito para sa kanilang formal arrival ceremony ni Filipino superstar Manny Pacquiao.
“It was more than dumb,” sabi ng Top Rank chief sa naturang ginawa ni Mosley.
Tinanong ni Michael Marley ng The Examiner si Arum kung meron siyang boksingerong isasalang sakaling may masamang nangyari kay Mosley sa kanyang biyahe.
Inusisa ng veteran boxing writer kung nasa paligid si Juan Manuel Marquez.
“It’s (Floyd) Mayweather,” hagalpak ni Arum.
Sinabi ni Arum na hindi niya sigurado kung may lisensyang magpalipad ng eroplano ang 39-anyos na tubong Pomona.
Ang tanging alam lamang niya ay si Mosley ay may lisenysa para lumaban.
- Latest
- Trending
























