^

PSN Palaro

Hindi mapigilan ni Roach si Pacquiao

- Ni AC -

HOLLYWOOD - Mu­ling nahaharap sa isang problema si trainer Freddie Roach kagaya ng kanyang mga naranasan.

Ito ay ang pakalmahin sa kanyang pag-eensayo si Manny Pacquiao.

“The main job right now is to try and slow him down,” sabi ni Roach mula sa Wild Card Gym matapos magpapawis sa mitts si Pacquiao sa halos isang dosenang rounds.

At tila ito ay isa lamang sparring session.

Sinampal ni Roach sa pisngi si Pacquiao ng kanyang mitts, sa kanyang katawan at minsan ay sa ulo.

Nakakabawi naman si Pacquiao kay Roach.

Nagtawanan lamang sina Pacquiao at Roach sa ibabaw ng boxing ring, ngunit sa muli nilang pag­haharap suot ang mitts, kailangan na silang magsuot ng headgear.

Walong araw bago ang kanyang laban kay Sugar Shane Mosley, dapat munang maghinay-hinay si Pacquiao.

Subalit ito ang nagi­ging problema ngayon ni Roach.

“I have to. I have to slow him down,” wika ni Roach.

Tinanong si Roach kung posible pa bang maghinay-hinay sa kanyang pag-eensayo si Pacquiao bago ang kanilang sagupaan ni Mosley.

“Somewhat,” sabi ng trainer. “But not as much as I would like.”

Alam ni Roach na tapos na ang matinding pagsasanay ni Pacquiao.

Kasama na rito ang mga jogging, mga mabibi­gat na sparring, at handa na siyang labanan si Mosley.

“He’s ready to go. He’s sharp. He knows the game plan very well. He’s a hundred percent ready,” wika ni Roach.

Halos walang tigil ang kanilang mitts session, at nang sinabi ni Roach kay Pacquiao na kumuha ito ng tubig na maiinom sinabi sa kanya ng boxing icon na “Are you tired?”

“Nope,” sagot naman ni Roach.

Ilang Pinoy scribes ang nagsabi kay Roach na tila gusto na niyang umayaw sa kanilang mitts session ni Pacquiao.

“It won’t happen. We had a great workout and had fun doing it. It was a good day. He came in a little bit late today. I thought I could wear him out today,” ani Roach.

Ipinag-alala rin ng celeb­rated trainer ang masyadong mababang timbang ni Pacquiao.

Si Pacquiao ay tumimbang ng 147 pounds matapos ang workout.

“Payat nga ako. Pero mataba naman ang suntok ko,” ani Pacquiao.  

vuukle comment

FREDDIE ROACH

ILANG PINOY

MOSLEY

PACQUIAO

ROACH

SI PACQUIAO

SUGAR SHANE MOSLEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with