Handa na ako! - Pacquiao
HOLLYWOOD--Sa kanyang pagbisita sa Jimmy Kimmel Live, inihayag ni boxing king Manny Pacquiao ang kanyang kahandaan para labanan si Shane Mosley.
Tinanong si Pacquiao ng popular na talk show maski na itakda ang kanilang laban ni Mosley bukas.
“It’s okay,” nakangiting sambit ni Pacquiao.
Pinalakpakan naman siya ng mga manonood.
Sa Wild Card Gym, nauna nang sinabi ni trainer Freddie Roach na handang-handa na si Pacquiao. At kumpiyansa rin siyang mananalo ang Filipino boxing icon.
“I don’t think we can lose this fight. But we’re not taking things lightly. From day one he knows it’s not an easy fight,” wika ni Roach.
Ang tanging inaalala lamang ng celebrated trainer ay ang sobrang gaang ni Pacquiao. Ang laban nila ni Mosley ay gagawin sa 147 lbs at kamakalawa bago ang kanyang workout, si Pacquiao ay tumimbang ng 150 lbs.
Halos 147 lbs nang umalis siya sa gym at sumakay sa kanyang itim na Mercedes Benz convertible.
“We’re in great shape. But the weight is a little low,” sabi ni Roach.
Ang fighting congressman ay naging suki na sa nasabing popular talk show na isinasaere ng ABC mula sa pamosong Hollywood Blvd.
“I feel like we have something going here, and it’s quite dangerous if you didn’t come here before a fight,” ani Kimmel, tatlong beses nang naging bisita si Pacquiao.
Sinabi ng reigning WBO welterweight champion na hindi siya umaaasa sa isang knockout laban kay Mosley, ang pambato ng Pomona, California, sa kanilang laban sa Mayo 7 sa MGM Grand.
“I’m not concerned about that,” sabi ni Pacquiao.
“My concern is how the people will get satisfied with our performance,” dagdag ni Pacquiao na muling umani ng palakpakan mula sa audience.
Sa nasabi ring show, inilusot ni Pacquiao ang kanyang newly-released CD na “Sometimes When We Touch,” na kanyang ni-record kasama si Dan Hill.
- Latest
- Trending