^

PSN Palaro

Coca-Cola Hoopla simula na ngayon

-

MANILA, Philippines - Lalarga ngayon ang 2nd Coca-Cola Hoopla na kung saan 21 siyudad mula sa NCR ang kasali at maglalaban-laban para sa P250,000 unang gantim­pala na lalaruin sa iba’t ibang venues.

Magkakasama sa NCR-East zone ang Quezon City, Marikina, Pasig at Pateros habang nasa NCR West ang Taytay, Cainta, Binangonan at Antipolo.

Ang Malabon, Navotas, Valenzuela at Caloocan naman ay magkakasama sa NCR-North; ang Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Pasay at Taguig ay nasa NCR-South at Manila Makati, Mandaluyong at San Juan ang sa NCR-Cen­tral.

May tig-apat na kopo­nang lahok ang Quezon City, Manila at Makati habang tig-tatlo naman ang sa nalalabing kasali sa liga na naglalayong tumuklas din ng mga bata at mahu­husay na manlalaro.

Tatlong lebel ang kompetisyon na Intra-City, Inter-City at Inter-Zonal at ang mga mananalo sa Intra-City ay aabante sa Inter-City at bibigyan din ng karapatang bumuo ng isang selection mula sa mga manlalarong sumali sa Intra City.

Ang Muntinlupa ang siyang hinirang na kampeon sa unang edisyon nang ta­lunin nila ang Pasig sa Finals. Matapos ang Finals ay pipili rin ang pamunuan ng liga ng Mythical First Five selection at MVP.

ANG MALABON

ANG MUNTINLUPA

CITY

COCA-COLA HOOPLA

INTER-CITY

INTRA CITY

INTRA-CITY

LAS PI

MANILA MAKATI

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with