^

PSN Palaro

AC Green nakiisa sa pagpinta ng dolphin mural

-

MANILA, Philippines - Bukod sa pangunguna sa idinaos na 2011 Jr. NBA National Training Camp sa SM Mall of Asia ay tumulong din si NBA Legend at Hall of Famer AC Green sa layuning mapangalagaan ang mga dolphins.

Sa pamamagitan ng NBA Cares Activity noong Abril 11, si Green ay nakasama ni AG Sarno na nagpinta ng dolphin mural sa La Salle campus upang maipaalala sa lahat ang pangangailangan na maproteksyunan ang mga ito.

Ang aktibidades ay kasabay ng selebrasyon ng NBA Green Week na kung saan ang liga kasama ang mga manlalaro at opisyales ay nagtulung-tulong upang makalikom sila ng pondo na itutulong sa pagpapanga­laga ng kapaligiran.

Si Sarno ay kilalang mural artist at isa sa mga na­ngunguna sa mga ma­ka­buluhang proyekto tulad ng pag­papangalaga ng dolphins.

Ang NBA ay nakikipag­tulungan sa World Wildlife Fund-Philippines, sa mga ganitong proyekto sa buong bansa at nagbibigay tugon sa ilang problema patungkol sa climate change, pagtiyak na may sapat na makakain ang bawat isa at iba pang gawain na mayroong kinalaman ang proteksyon sa kalikasan at kapaligiran.

vuukle comment

ABRIL

BUKOD

CARES ACTIVITY

GREEN WEEK

HALL OF FAMER

LA SALLE

MALL OF ASIA

NATIONAL TRAINING CAMP

SI SARNO

WORLD WILDLIFE FUND-PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with