^

PSN Palaro

Hobe, Wang's nanalasa sa MBL tourney

-

MANILA, Philippines - Sumandal ang Hobe Bihon sa mga mainit na ka­may ni American Jason Davis upang pabagsakin ang Lo­go­hu, 111-100, at patatagin ang paghawak sa li­de­rato sa kanilang ikalimang dikit na panalo sa 2011 MBL Open bas­ketball championship sa RTU gym sa Mandaluyong City kamakailan.

Ang 6-5 na si   Davis ay nagpasiklab ng husto at gu­mawa ng game-high 33 puntos, kabilang na ang ilang picture-perfect alley-oop dunks , upang pamunuan nag come-from-behind na panalo ng Hobe laban sa matikas na Logohu sa eight-team, single-round tournament na sinusuportahan ng Smart Sports, Dickies Underwear, PRC Couriers, Big Banners Tarpaulin at WG Diner.

Sa ikalawang laro, pi­na­taob ng Wang’s Ballclub ang SCUAA champion Ri­zal Technological University, 127-107, para sa ikaapat na panalo sa anim na laro.

Ang dating FedEx/Air21 player na si Biboy Simon ay gumawa ng tournament-high 40 puntos, kabilang na ang pitong three point shots at pangunahan ang Mandaluyong-based team.   

vuukle comment

AMERICAN JASON DAVIS

BIBOY SIMON

BIG BANNERS TARPAULIN

DICKIES UNDERWEAR

HOBE BIHON

MANDALUYONG CITY

SHY

SMART SPORTS

TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with