^

PSN Palaro

Phl handa na para sa Arafura Games

- Ni RMPangilinan -

MANILA, Philippines - Pangungunahan ng Que­zon City, sa ilalim ni team manager Sen. Nik­ki Coseteng, ang delegas­yon para sa 2011 Arafura Games sa Darwin, Australia.

Ipaparada ng Quezon City ang mga produkto ng Diliman Preparatory School na sina Loren Dale Echavez, Antoinette Aquino, Pricila Aquino, Kiefer Alexander James Piccio, at Emanuel Joshua Lorbes.

Kumpiyansa ang pa­ngu­lo ng Philippine Swimming League (PSL) na si Susan Papa na mag-uuwi ng mga medalya ang mga manlalangoy.

“Handa kami. Nagsa­nay ng mabuti ang mga man­lalangoy. Base sa resulta ng mga nakaraang laro, naniniwala akong ma­kapag-uuwi tayo ng me­dalya,” ani Papa.

Sapul noong 1982, nabi­gong mag-uwi ng medalya ang Phl Team mula sa mga paligsahang internasyonal. Sinasabi ng mga kritiko na ito ay dahil umano sa problema sa liderato ng Phi­lippine Aquatic Sports Association (PASA), ang national sports association para sa swimming.

Si Echavez ay inaasa­hang babawi sa Arafura Ga­mes matapos bawiin ang kanyang mga medalaya noong 2007 dahil uma­no sa utos ng pangulo ng PA­SA na si Mark Joseph.

Pinagagamit ng DPS, sa pamamagitan ni Coseteng, ang Olympic-si­zed swimming pool ng paaralan ng libre sa mga nagsasanay.

Ginawa ang pool noong nakaraang taon para sa Great Pinoy Peace and Unity Swim, ang pagsubok ng Pilipinas na mag-set ng bagong Guinness World Record para sa pinakama­raming taong lalangoy ng 60 talampakan sa loob ng 24 oras.

ANTOINETTE AQUINO

AQUATIC SPORTS ASSOCIATION

ARAFURA GA

ARAFURA GAMES

COSETENG

DILIMAN PREPARATORY SCHOOL

EMANUEL JOSHUA LORBES

GREAT PINOY PEACE AND UNITY SWIM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with