Phl bets pasok sa q'finals ng PBaRS tourney
MANILA, Philippines - Tinalo ni Carlos Cayanan si Jon Masongsong, 21-17, 12-21, 21-17, para pangunahan ang tatlo pang miyembro ng national juniors team sa quarterfinal round ng U-19 boys’ singles sa P1-million Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) sa Powersmash sa Makati City kahapon.
Binigo naman ni John Kenneth Monterubio si Lance Bautista para kunin ang 21-16, 21-17 victory, habang ang kanyang kasama sa Phl juniors team members na sina Joper Escueta at Gerald Sibayan ay nagtala ng magkahiwalay na straight-set victories patungo sa Last 8 phase.
Si Escueta, nagwagi sa 2010 U-19 National Open, ay pinayukod si Joshua Malelang, 21-10, 21-9, samantalang pinabagsak ni Sibayan si Patrick Gosiaco, 21-6, 21-8 sa kanilang laro.
Nagwagi rin sa kanilang mga laban sina Joshua Monterubio at Kevin Cudiamat ng Allied Victor, Rabie Obaob ng Prima at Wilbert Natividad ng Golden Shuttle Foundation (GSF) sa torneong suportado ng MVP Sports Foundation-Goal Pilipinas!, Bingo Bonanza Corp. at Victor.
Tatlong GSF bets naman ang nakapasok sa quarters sa girls’ U-19 side nang manalo sina Bianca Carlos, Patrisha Malibiran at Victoria Vizmonte sa event na itinataguyod ng PLDT-Smart Foundation, Victor PCOME Industrial Sales, Gatorade at Powersmash.
- Latest
- Trending