Hobe, Wang's tuloy sa pananalasa
MANILA, Philippines - Nagpasiklab ang Hobe Bihon at Wang’s Bacllub sa kani-kanilang mga katunggali at kapwa nanalo sa 2011 MBL Open basketball championship sa RTU gym sa Mandaluyong City.
Sumandal ang Hobe sa mainit na kamay ni dating pro na si Jojo Duncil upang maitakas ang isang kapanapanabik na 108-104 panalo laban sa matikas na Manuel Luis Quezon University upang makasalo sa liderato ang University of Santo Tomas-Ironcon na may dalawang panalo sa eight-team tournament na itinataguyod ng Smart Sports, Dickies Underwear, Big Banners Tarpoulin, WG Diners at PRC Couriers.
Samantala, ang Wang’s ay humugot ng lakas sa balanced scoring ng mga players upang pataubin ang Logohu, 99-91, at masungkit ang una nitong panalo.
Hobe Bihon 108--Duncil 20, David 18, Misolas 13, Sanders 12, B.Lim 8, Raymundo 8, Baguion 7, Santiago 6, Ybañez 5, Junio 5, D. Lim 4, De Castro 2.
MLQU 104--Custodio 31, Parapa 19, Lazo 18, Urbano 13, Mendoza 9, Sumayang 8, Celso 2, Amora 2, Macalangcom 2.
Quarterscores: 23-18, 54-41, 80-70, 108-104.
- Latest
- Trending