^

PSN Palaro

Laban ng Azkals kontra Myanmar sa group stage: Draw sa 1-1

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Panalo na nakatabla pa.

Matapos ang penalty kick ni James Younghusband sa pang 70th minute, umiskor naman ang Myanmar ng goal sa stoppage time na 90th minute para sa 1-1 draw ng Philippine men’s football team na Azkals at White Angels ng Myanmar sa group stage ng 2011 AFC Chal lenge Cup kagabi sa Rangoon, Myanmar.

Sa scoring system sa group stage, ang won ga­me ay may katumbas na 3 points, habang ang draw ay may 1 point. Ang top two teams ang aabante sa tournament proper sa su­sunod na taon.

Isang goal mula sa pe­nalty kick ni James Young­husband sa pang 76th mi­nute ng second half ang nagbigay sa Philippine men’s football team na Az­kals ng malaking 1-0 pa­nalo laban sa White Angels ng Myanmar sa group stage ng 2011 AFC Challenge Cup kagabi sa Rangoon, Myanmar.

Nabigyan si Younghusband ng pagkakataon ma­tapos matawagan ng red card ang Myanmar sa pang 73rd minute.

Huling nagharap ang Azkals at ang White Angels sa group stage ng 2010 AFF Suzuki Cup sa Vietnam kung saan nagtapos ang laro sa goalless draw.

Para makapasok sa ‘elite eight’ ng AFC Challenge Cup sa susunod na taon, dalawang panalo sa kanilang tatlong laro laban sa Myanmar, Palestine at Bangladesh ang kailangan ng Azkals.

Susunod na makakalaban ng Azkals ang Palestine bukas sa ganap na alas-5 ng hapon bago isunod ang Bangladesh sa Biyernes sa alas-5 rin ng hapon sa Rangoon, Myanmar.  

Nakapasok ang Azkals sa group stage matapos biguin ang Blue Wolves ng Mongolia via 3-2 aggregate goal.

Tinalo ng Azkals ang Blue Wolves, 2-0, noong Pebrero 9 sa Panaad Sta­dium sa Bacolod City ba go nanalo ang huli, 2-1, sa kanilang ikalawang pag haharap noong Marso 15 sa Ulan Bator, Mongolia.

Si Phil Younghusband at Chieffy Caligdong ang umis­kor ng dalawang goals ng Azkals noong Pebrero 9.

Sa first half, walong goal scoring attempts ng White Angels ang pinigilan ni Fil-Briton goalkeeper Neil Etheridge, hindi nakalaro sa 1-2 kabiguan ng Azkals sa Blue Wolves ng Mongolia sa second leg sa Ulan Bator.

Samantala, inihayag na­man ng ABS-CBN Sports Page na hindi na nila makukuha ang permit mula sa Myanmar Radio and Television (MRTV) para isaere nang ‘live’ ang mga laro ng Azkals. 

“We regret to inform the public that at this point, ABS-CBN Sports’ contacts with the Myanmar Radio and Television (MRTV) are unlikely going to get the permit to beam the AFC Challenge Cup matches live via satellite to the Philippines,” nakasaad sa statement ng ABC-CBN. “Negotiations are now underway for the broadcast rights and tape copies of MRTV’s covera­ge of the Azkals’ matches in Yangon.”

Ang ABS-CBN ang nag­saere ng dalawang laro ng Azkals laban sa Blue Wolves ng Mongolia sa Panaad Stadium sa Bacolod City noong Pebrero 9 at sa Ulan Bator, Mongolia noong Marso 15.   

Naglaro naman sa unang pagkakataon ang bagong hugot na si Filipino-Spanish striker Angel Guirado Aldeguer.

Ang mga miyembro ng starting XI ay sina Rob Gier, Anton Del Rosario, Roel Gener, Ray Jonsson, Simon Greatwich, Aly Borromeo, James Younghusband, Chieffy Caligdong at Ian Araneta.

AZKALS

BACOLOD CITY

BLUE WOLVES

CHALLENGE CUP

CHIEFFY CALIGDONG

JAMES YOUNGHUSBAND

MYANMAR

SHY

ULAN BATOR

WHITE ANGELS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with