^

PSN Palaro

Win no. 3 asam ng Texters laban sa Meralco Bolts

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines -  Hangad ng Tropang Tex­ters ang kanilang pa­ngat­long sunod na panalo, ha­bang pilit namang baba­ngon ang Gin Kings, Tigers at Bolts mula sa kani-kanilang losing slump.

Makakatapat ng Talk ‘N Text ang Meralco ngayong alas-5 ng hapon kasunod ang salpukan ng Barangay Ginebra at Powerade sa alas-7:30 ng gabi sa 2011 PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Kasalukuyang nasa isang two-game winning run ang Tropang Texters, ang nagkampeon sa nakaraang PBA Philippine Cup, matapos ang ka­biguan sa Smart-Gilas Pi­lipinas.

Magkasalo sa pangu­nguna ang Rain or Shine at Smart-Gilas sa likod ng ka­nilang magkatulad na 3-0 kar­tada kasunod ang Alaska (3-1), Talk ‘N Text (2-1), Ginebra (1-2), San Mi­guel (1-2), Der­by Ace (2-3), Air21 (1-3), Powerade (1-3) at Meralco (0-3).

Nanggaling ang Tropang Texters sa isang 124-110 paggupo sa Express noong Sabado sa Davao City na tinampukan ng 24 points ni Jimmy Alapag, kasama rito ang anim na three-point shots.

Pinangunahan ni import Paul Harris ang PLDT franchise sa kanyang game-high 28 points, habang may 16 si Ryan Reyes, 14 si Ranidel De Ocampo at 10 si Larry Fonacier.

 Para naman buha­yin ang kanilang tsansa, hinugot ng Bolts si American-Nigerian Chamberlain Nnemeka Oguchi bilang ka­palit ni slam dunk champion Anthony Dandridge.

Ang 24-anyos na si Ogu­chi, naglaro sa University of Oregon sa loob ng tatlong taon bago lumipat sa Illinois State University noong 2007, ay na­ging miyembro ng Nigerian national team.

Si Oguchi ay kumam­panya sa STB Le Havre sa French League noong 2009-2010 hanggang nag­laro sa NBA Developmental League (NBDL) para sa Maine Red Claws.

Makakatuwang ni Oguchi sa Meralco sina Asi Taulava, Sol Mercado at Mac Cardona.

“The decision to change our import is brought about by immediate need. We need an import who can shoot from the three-point range and spread the floor for Mac’s (Cardona) and Sol’s (Mercado) penetra­ting space. We are determined to win,” ani coach Ryan Gregorio.

Natalo ang Bolts ni Gregorio sa Gin Kings, 98-115, sa Elasto Painters, 92-101, at Beermen, 89-90.

Sa ikalawang laro, ma­ta­pos talunin ang Meral­co noong Pebrero 18, dalawang sunod na kamalasan ang naranasan ng Ginebra sa mga kamay ng Alaska, 94-95, at Derby Ace, 89-96.

Muling ibabandera ng Gin Kings ni Jong Uichico si import Nate Brum­field ka­tapat si Russell Carter ng Tigers ni Bo Pe­rasol.

AMERICAN-NIGERIAN CHAMBERLAIN NNEMEKA OGUCHI

ANTHONY DANDRIDGE

ARANETA COLISEUM

ASI TAULAVA

BARANGAY GINEBRA

GIN KINGS

MERALCO

N TEXT

SHY

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with