^

PSN Palaro

Isang malakas na suntok!

- Ni AC -

LOS ANGELES - Hindi lamang isang malakas na suntok ang magpapabagsak kay Manny Pacquiao.

Ito ang alam ng lahat.

“It will take sustained power to hurt and drop him,” sabi ni Naazim Ri­chardson, ang chief trainer ni Shane Mosley.

Ilang araw na magka­sa­ma sina Pacquiao at Mos­ley kaugnay sa kani­lang four-city press tour na dumayo sa Los Angeles, Las Vegas hanggang sa New York sa loob ng limang araw.

Nanatili si Mosley sa New York noong Lunes, samantalang sumakay na­­man si Pacquiao ng tren papuntang Washington pa­ra sa isang pakikipagkita kina President Barack Obama at Senator Harry Reid.

Minsan namang napa­patingin si Richardson kay Pacquiao kasabay ng pagpuri ng Filipino bioxing superstar.

“Trainer Naazim said it will take more than one big punch - like Mosley’s crack against Mayweather - to beat Pacquiao,” wika ni Lee Samuels ng Top Rank Promotions.

Halos mapabagsak ni Mosley si Floyd Maweather sa second round ng kani­lang laban noong Mayo 1 ngunit nabigong ma­ging agresibo hanggang matalo via unanimous decision.

Kumpiyansa si Mosley na kaya niyang patulugin si Pacquiao sa pamamagitan ng isang suntok lamang.

Ngunit hindi ito sapat, ayon kay Richardson.

“Manny is a warrior, a great fighter. It will take sustained firepower to hurt and drop him. We plan to keep the pressure on him,” sabi ng trainer ng 39-anyos na si Mosley.

Bubuksan ni Mosley ang kanyang training camp sa March 7 sa Big Bear, habang apat na linggo namang magsasanay si Pac­quiao sa Manila at Ba­guio bago magtungo sa LA.

BIG BEAR

FLOYD MAWEATHER

LAS VEGAS

LEE SAMUELS

LOS ANGELES

MOSLEY

NAAZIM RI

NEW YORK

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with