^

PSN Palaro

Chieffy 'di malilimutan ang best goal vs Mongolia

- Olmin Leyba -

MANILA, Philippines - Para kay Chieffy Caligdong, ang laro niya sa Mongolia ay hindi na niya m­akakalimutan sa kanyang football career.

Si Caligdong na tubong Barotac, Nuevo, Iloilo ang siyang bumasag sa isko­ring sa laban ng dalawang bansa nitong Miyerkules ng gabi sa Panaad Stadium sa Bacolod City.

Naipasok ni Caligdong ang bola sa kaliwang bahagi sa 42nd minute upang mabigyan agad ng kalamangan ang host team sa pagbubukas ng AFC Challenge Cup qualifiers. Natapos ang laban at nanalo ang Pilipinas sa 2-0 iskor.

“Ito na ang best goal ko sa anim na taon ko sa national team,” wika ni C­aligdong na kasapi ng Philippine Air Force.

Kahit si Azkals coach Hans Michael Weiss ay hin­di napigil ang paghanga sa ginawa ni Caligdong upang mailapit ng men’s team ang isang paa sa mithiing pag-usad sa Group elimination.

“Chieffy hada fantastic match and for me, he was the man of the match,” wika ni Weiss.

Isa lamang si Caligdong sa walong homegrown pla­yer ng Azkals at inihayag din niya ang kahandaan na tulungan ang koponan sa ikalawang laro sa Mongolia sa Marso 15.

“Gagawin namin ang makakaya sa Mongolia, kung ano ang ipinakita na-min dito, yan din ang ipapakita namin sa Mongolia,” wika pa ni Caligdong.

 Mas mabangis na Azkals ang inihayag ni Weiss na makikita sa Mongolia kaya’t kahit siya ay kumbinsido mananalo pa rin sa labanan ang koponan.

AZKALS

BACOLOD CITY

CALIGDONG

CHALLENGE CUP

CHIEFFY CALIGDONG

HANS MICHAEL WEISS

PANAAD STADIUM

PHILIPPINE AIR FORCE

SI CALIGDONG

WEISS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with