^

PSN Palaro

So 4th place sa Netherlands chessfest

-

WIJK AAN ZEE, Ne­ther­lands--Maski ang draw kay top seed GM Radek Wojtaszek ng Poland sa fi­nal round ay hindi na­ging sapat para umangat si Filipino GM Weskey So sa 73rd Tata Steel-Corus Group B chess championship dito sa de Morianne Community Center.

Nakipaghati ng puntos ang 17-anyos na si So kay Wojtaszek (ELO 27­26) para sa kanyang perfect record laban sa mga Super GMs sa nasabing 14-player, category-17 tournament.

Nangyari ang draw ma­tapos ang 24 moves ng Queen’s Gambit kung saan tangan ni So, naglaro sa puting piyesa, ang rook, knight at limang pawns laban sa rook, bi­shop at limang pawns ni Wojtaszek.

Bago nakipag-draw kay Wojtaszek, nakihati rin sa puntos ang fifth-seeded na si So kay GM Zahar Efi­menko (ELO 2701) ng Ukraine at tinalo sina GM Laurent Fressinet (ELO 27­07) ng France at GM Da­vid Navara (ELO 2708) ng Czech Reublic.

Ang nasabing mga pa­nalo ni So sa mga players na may ELO 2700-plus ra­tings ay inaasahang ma­kakatulong sa pag-angat ng kanyang ELO 2673.

Sa kabuuan, tumapos si So na may apat na panalo, pitong draw at dalawang kabiguan para sa kanyang 7.5 points sa ilalim nina GM Luke McShane ng England at Navara at Efimenko.

Nag-draw sina McSha­ne at Navara sa 57 mo­ves ng King’s Indian para sa magkatulad nilang 8.5 points at pinaghatian ang 5,500 euro.

 Nagtapos ang Filipino champion katabla sa third place sina GMs Le Quang Liem ng Vietnam at Gabriel Sargissian ng Armenia.

CZECH REUBLIC

GABRIEL SARGISSIAN

LAURENT FRESSINET

LE QUANG LIEM

MORIANNE COMMUNITY CENTER

NAVARA

SHY

TATA STEEL-CORUS GROUP B

WOJTASZEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with