Dobleng tagumpay sa Perpetual volleyball teams
MANILA, Philippines - Makaraan ang dala-wampu’t isang taon, mu-ling nakamit ng koponan ng Perpetual Help ALTAs mens volleyball team ang pinaka-aasam na korona upang pagharian ang NCAA seniors division. Ti-nalo ng Perpetual ALTAs ang Arellano University sa iskor na 22-25, 25-10, 25-16 at 25-18 sa Game Two ng kanilang best-of three series, kasabay ng pagde-depensa rin sa korona kanilang junior counterpart laban sa San Sebastian Staglets, 25-16,25-15,25-23.
Huling nakamit ng Perpetual ALTAs ang kampeonato sa volleyball noong 1985 hanggang 1990 matapos ang limang sunod na paghahari sa nasabing event. Ang juniors naman ay nanalo ng apat na sunod na titulo noong 1988-1991.
Ayon kay coach Sammy Acaylar, matinding determinasyon ang naging susi sa tagumpay ng kanilang koponan.
Nahirang na MVP si John Erick Francisco, habang Best Spiker of the Year naman si Pem Bagalay, si Louie Chaves ang tinanghal na Digger of the Year at Setter of the Year si Diomagay sa junior division.
Samantala, tinanghal na Digger of the Year si Jay dela Cruz at MVP naman si Dexter Clamor sa senior division.
“Ito na ang simula ng sunud-sunod na tagumpay ng Perpetual sa NCAA volleyball events,” ayon kay Dr./Col. Antonio L. Tamayo, chairman of the board and CEO ng Perpetual.
- Latest
- Trending