^

PSN Palaro

Magic dinala ni Howard sa panalo kontra Pacers

-

INDIANAPOLIS--Kumana si Dwight Howard ng 19 puntos at 16 rebounds upang tulungan ang Orlando Magic na talunin ang Indiana Pacers, 111-96 sa NBA nitong Miyerkules.

Nag-ambag naman si Jason Richardson ng 19 pun­tos at siyam na rebounds, habang umasinta si Hedo Turkoglu ng 18 puntos at 14 naman kay Ryan Anderson para sa Magic na nanalo ng apat na laro mula sa kanilang limang asignatura.

Binalikat nina Danny Granger at Darren Collison ang Indiana sa pagposte ng 27 at 21 puntos, ayon sa pag­kakasunod pero hindi nila naiwasan na malasap ang ikaanim na sunod na kabiguan.

Sa Newark, New Jersey, isinalpak ni Devis Harris ang siyam mula sa kanyang 13 puntos sa final canto upang trangkuhan ang host team na paspasan ang Memphis Grizzlies, 93-88.

Nagmintis ang sana’y panablang tres na tira ni O.J. Mayo may 3 segundo na lang ang nalalabi at sinelyuhan ni Brook Lopez ang panalo ng Nets sa kanyang da­lawang freethrow, tampok ang kanyang 17-point performance.

Sa Toronto, umiskor si Marreese Speights ng season-high 23 puntos at banderahan ang Philadelphia 76ers sa 107-94 tagumpay laban sa Raptors.

 Sa Auburn Hills, Michigan, tumapos si Chauncey Billups ng 26 puntos , kabilang ang tatlong triples sa huling segundo ng laro ang nag-ahon sa Denver Nuggets sa 109-100 panalo laban sa Detriot Pistons.

Nagtala si Carmelo An­tho­ny ng 18 puntos, 10 re­bounds at pitong assists para sa Nuggets.

Sa Milwaukee, ipinasok ni Earl Boykins ang 11 mula sa kanyang 20 puntos sa final canto upang tulungan ang Bucks sa 98-90 panalo laban sa Atlanta Hawks. 

vuukle comment

ATLANTA HAWKS

BROOK LOPEZ

CARMELO AN

CHAUNCEY BILLUPS

DANNY GRANGER

DARREN COLLISON

DENVER NUGGETS

DETRIOT PISTONS

DEVIS HARRIS

PUNTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with