^

PSN Palaro

Sambajon kampeon sa 2nd Chet Itow Memorial tournament

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nagpasiklab agad ang Filipino cue artist na si Santos Sambajon nang kunin ang 2nd Annual Chet Itow Memorial Tournament na pinaglabanan sa California Billiard Club sa Mountain View, California.

Hindi nakalasap ng talo si Sambajon na naninirahan na sa US, sa kabu­uan ng torneo at tinalo sa kampeonato si Oscar Dominguez sa unang laro.

Mula sa winner’ s side si Sambajon kaya’t kinaila­ngan ni Dominguez na talunin ito sa dalawang laro para makuha ang titulo.

Namuro nga si Do­min­guez dahil una siyang uma­bante sa hill, 7-3, pero sa di inaasahang pangyayari ay minalas siya habang luma­bas ang tikas ng paglalaro ni Sambajon at winalis ang sumunod na limang laro para magkampeon.

Narating ni Sambajon ang finals nang kalusin ang kababayang si Gerardo Ja­mito, 8-7, habang nalusutan naman ni Dominguez ang mga Filipino player na si Amar Kang, 8-7, at Jamito, 8-7.

Halagang $2000 ang napanalunan ni Sambajon at ito ang unang panalo rin ng pool player matapos ang 2009 season na kung saan nangibabaw siya sa NCS National 9-ball Championship.

Ang pinakamalaking pa­nalo na nakuha ni Sambajon sa kanyang career ay sa Skins Billiard Championship sa Atlantic City noong 2005 para maibulsa ang $73,500 unang gantimpa­la.

Halagang $1350 naman ang napanalunan ng 26-anyos na si Dominguez habang sina Jamito at Kang ay nakontento sa $850 at $550 gantimpala.

AMAR KANG

ANNUAL CHET ITOW MEMORIAL TOURNAMENT

ATLANTIC CITY

CALIFORNIA BILLIARD CLUB

DOMINGUEZ

GERARDO JA

HALAGANG

JAMITO

SAMBAJON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with