^

PSN Palaro

Arum iaakyat ng timbang si Donaire kung...

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Ngayon pa lamang ay iniisip na ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang pag-akyat ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. sa mas mataas na weight division sakaling maging maganda ang kanilang upakan ni Mexican world bantamweight champion Fernando “Cochulito” Montiel.

“If this is a great fight, I’ll move them both to 122 pounds for a rematch,” sabi ni Arum sa kanyang gagawin matapos ang Donaire-Montiel championship fight sa Pebrero 19 sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada.

Itataya ni Montiel ang kanyang mga suot na World Bo­xing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) bantamweight titles laban kay Donaire.

Bitbit ng 31-anyos na si Montiel ang kanyang 43-2-2 win-loss-draw ring record kasama ang 33 KOs, samantalang taglay naman ng 27-anyos na si Donaire ang 25-1-0 (17 KOs) slate.

Hindi pa natatalo si Montiel sapul noong 2006 kung saan walo sa kanyang 10 laban ay sa pamamagitan ng stoppage. Noong 2010 ay apat na panalo naman sa pamamagitan ng KO ang itinala ng Mexican, kasama rito ang isang fourth-round stoppage kay Japanese southpaw Hozumi Hasegawa sa Tokyo, Japan.

Asam naman ng tubong Talibon, Bohol na si Donaire na maagaw kay Montiel ang suot nitong WBC at WBO bantamweight crowns sa likod ng kanyang nine-year, 24-fight winning streak.  

BOB ARUM

DONAIRE

FILIPINO FLASH

HOZUMI HASEGAWA

LAS VEGAS

MANDALAY BAY

MONTIEL

TOP RANK PROMOTIONS

WORLD BO

WORLD BOXING ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with