^

PSN Palaro

Gomez inagaw ang solong liderato

-

VIETNAM -- Isinulong ni GM John Paul Gomez ang kanyang ikaapat na sunod na panalo para makuha ang solo lead matapos ang fourth round ng 2011 HD Bank Cup Open chess championship dito sa five-star Rex Hotel.

Binigo ni Gomez, miyembro ng Philippine team na kumuiha ng silver medal sa nakaraang 2010 Asian Games sa Guangzhou, China, si WIM Nguyen Thi Mai Hung ng Vietnam sa third round bago isinunod si GM Zhao Jun ng China sa fourth round para sa kanyang perfect record na 4.0 points. Nakipag-draw naman si IM Richard Bitoon kay top seed GM Le Quang Liem ng Vietnam sa third round at tinalo si Kevin Goh ng Singapore sa fourth round para sa kanyang 3.5 points.

Nakuntento rin sa draw si GM Laylo nang makalaban sina IM Oliver Dimaki­ling at CM TranThan Tu ng Vietnam para makatabla sa sixth hanggang 13th places.

Nasa kontensyon pa rin sina GM Roland Salvador, IM Oliver Barbosa, IM Kim Steven Yap, FM Haridas Pascua at Dimakiling sa kanilang pagtatabla sa 14th hanggang 27th places sa kanilang tig-2.5 points. 

Si Salvador, ang highest-rated Filipino sa torneo sa kanyang ELO 2533, ay na­talo kay No. 22 seed Wang Chen ng China sa third round at nagwagi naman kay Vo Thanh Nin ng Vietnam sa fourth round.

ASIAN GAMES

BANK CUP OPEN

HARIDAS PASCUA

JOHN PAUL GOMEZ

KEVIN GOH

KIM STEVEN YAP

LE QUANG LIEM

NGUYEN THI MAI HUNG

OLIVER BARBOSA

OLIVER DIMAKI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with