^

PSN Palaro

Smart Gilas humiling sa PBA na mapasama sa 2nd conference

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Upang mapalakas pa ang paghahanda ng Smart Gilas Pilipinas sa malalaking kompetisyon na lalahukan sa 2011 ay nais nilang mapahintulutan na mapasama sa PBA se­cond conference.

Nagpadala na ng kahi­lingan ang koponan sa pa­munuan ng PBA na ma­pabilang sa second con­ference na magbubukas sa buwan ng Pebrero at ka­tatampukan din ng mga imports ang regular teams sa pro league.

Mahalaga ang karanasang makukuha ng Gilas sa mga sasalihang kompe­tisyon dahil ang pangunahing torneo na kanilang pinaghahandaan ay ang FIBA –Asia Championships sa Wuhan, China na kung saan ang magkakampeon dito ang siyang kakatawan sa Asia sa London Olympics sa 2012.

“Malaki ang maitutulong ng paglalaro sa PBA dahil naririyan ang best players ng bansa,” wika ni team manager Frankie Lim.

Tulad sa nagdaang taong paghahanda, lalahok din ang Gilas sa malala­king kompetisyon sa labas ng bansa at mangunguna rito ay ang Dubai Invitational na ilalarga sa United Arab Emi­ra­tes mula Enero 20- 29.

Nagsimula na ngang magsanay ang koponan kahapon sa The Arena sa San Juan City at kasama sa nag-ensayo ay si 6’10 American center Marcus Douthit.

Si Douthit ay kandidato upang maging naturalized player ng koponan at ang kanyang papeles ay nakapasa na sa Senado pero hindi pa ito nilalagdaan ni Pangulong Benigno “Noy­noy” Aquino.

Pero makakasama si Douthit sa Dubai dahil bukas ang kompetisyon sa mga imports.

Lalaro rin ang koponan sa FIBA Asia Champions Cup sa Mayo na isasaga­wa sa bansa at sa Jones Cup sa Chinese Taipei sa Mayo. Babalik din ang Gilas sa Belgrade para sa mga tune-up games sa Euporean teams.

Hangad ng Gilas na makabawi matapos malagay sa ikaanim na puwesto lamang sa Asian Games sa Guangzhou China.

ASIA CHAMPIONS CUP

ASIA CHAMPIONSHIPS

ASIAN GAMES

CHINESE TAIPEI

DUBAI INVITATIONAL

FRANKIE LIM

GUANGZHOU CHINA

JONES CUP

LONDON OLYMPICS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with