^

PSN Palaro

PH Patriots lalapit sa No. 1 spot

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Lumapit sa hangaring maging number one sa eliminasyon ang magpapainit sa Philippine Patriots sa pagbubukas aksyon sa 2011 ng AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) Sea­son II ngayon sa Ni­mibutr, National Stadium, Bangkok, Thailand.

Lumipad nitong Ene­ro 1 ang Patriots upang harapin uli ang Chang Thailand Slam­mers sa ikalawang pagkakataon sa kanilang ho­mecourt at hangad na makuha ang tagumpay para magwagi sa kanilang three-game series.

Ito na ang ikatlo at hu­ling pagkikita ng Patriots at Slammers sa triple-round elimination at naghati sila sa unang dalawang pagkikita na kung saan ang mga nagsipanalo ay na­ngibabaw bilang mga dayong koponan.

Unang humirit ang Air-Asia sponsor na Patriots, 54-48, sa Bangkok noong Oktubre 23 pero nakabawi ang Slammers sa 69-68 tagumpay noong Nobyembre 20 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Pinalakas ng koponang pag-aari nina Mikee Romero ng Harbour Centre at Tony Boy Cojuangco ang kampanya sa pagkuha uli sa serbisyo ni Gabe Freeman upang itambal kay Steve Thomas.

 May dalawang dikit na panalo ang Patriots na ha­harap sa Slammers na babanderahan naman ni Jason Dixon, ang partner ni Freeman sa koponan nang nagkampeon ang Pilipinas sa ABL Season I.

vuukle comment

BASKETBALL LEAGUE

CHANG THAILAND SLAM

GABE FREEMAN

HARBOUR CENTRE

JASON DIXON

MIKEE ROMERO

NATIONAL STADIUM

PASIG CITY

PHILIPPINE PATRIOTS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with