^

PSN Palaro

Rivera balik uli sa paglalaro

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Babalik uli si Engelberto “Biboy” Rivera upang ma­pa­ngunahan ang gagawing kampanya ng bansa sa ma­lalaking bowling competition sa taong 2011.

Si Rivera ay naunang nagsabi na bibitiw na sa natio­nal team matapos makuha ang gintong medalya sa idinaos na 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Ang panalong ito ni Rivera sa men’s singles ay nang­yari matapos kunin niya muna ang bronze medal sa World Bowling Cup sa Tourin, France sa unang paglahok sa nasabing kompetisyon.

Pero napakiusapan si Rivera ng pamunuan ng Philippine Bowling Federation (PBF) na ipagpatuloy pa ang paglalaro kasabay ng pagpayag na magsasanay na la­mang ito gamit ang kanyang personal coach.

“Nahirapan kasi ako dahil halos anim na oras ang trai­ning sa national team at may oras pa akong iginugugol sa rehabilitation ko. Sa compromise agreement na ito ay mabibigyan ko rin ang sarili ko na makapagpahinga bu­kod sa pagpapanatili sa training ko,”wika ni Rivera na binabagabag ng knee injuries sa mga nagdaang taon.

Ang pagkaudlot sa sana’y pagreretiro na ni Rivera ay nagtiyak na makapagpapadala ang bansa ng matibay na koponan na kakampanya sa 26th Southeast Asian Games sa Indonesia.

Maliban naman sa SEA Games, puntirya rin ni Rivera na manalo uli sa gagawing World Cup elimination sa ban­sa upang manatiling buhay ang hangaring manalo ng kampeonato ng World Cup.

Para mailagay ang sarili sa kondisyon, ilalahok ng PBF si Rivera sa gagawing Bowling World Tour kasama sina Chester King at Liza del Rosario.

Sa iba’t-ibang lugar gagawin ang Tour at magbubukas ito sa Pebrero sa Reno, Nevada.

“Mas mataas na level ito dahil ang mga makakalaban mo na rito ay hindi lamang pinakamahuhusay na manlalaro sa Asian region kundi pati mga professional bowlers ng mundo. Magandang preparasyon ito para sa amin,” wika pa ni Rivera.

Bukod kay Rivera ay umani rin ng bronze medal si Frederick Ong sa men’s singles upang makapanorpresa ang delegasyong ipinasok sa Guangzhou.

ASIAN GAMES

BOWLING WORLD TOUR

CHESTER KING

FREDERICK ONG

GUANGZHOU

PHILIPPINE BOWLING FEDERATION

RIVERA

SHY

SI RIVERA

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with