^

PSN Palaro

La Salle-Manila kampeon sa Inter-Cities chessfest

-

DAGUPAN City, Philippines - Ti­nang­hal na overall champion ang La Salle-Manila sa 2010 National Inter-Cities and Municipaities rapid chess championship na idinaos sa People’s Astrodome dito nitong Linggo.

Ibinigay nina Joel Pimentel at Jimsoon Bitoon ang kinakailangang panalo sa final three rounds upang tulungan ang La Salle-Manila na tapusin ang nine-round sa pagposte ng kabuuang 16 puntos mula sa pitong panalo at dalawang draws sa prestihiyosong da­lawang araw na competition na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa kooperasyon ng Dagupan City government.

Ang panalo ay nagbigay sa La Salle-Manila ng P70,000 premyo.

Nagsalo naman ang Metro Manila Development Authority-Makati, binande­rahan ni GM Wesley So at Don Galo-Parañaque City, na minanduhan naman ni David Elorta mula sa ika­lawa hanggang ikatlong pu­westo taglay ang 14 pun­tos.

Nagtabla ang Calamba-GP Tex Global-A at Roxas-Palawan sa 4th hanggang 5th places taglay ang 13 points.

Tinalo ni Pimentel si Mari Joseph Turqueza at pinisak ni Bitoon si Jayson Mercado para sa 2.5-1.5 pananaig ng La Salle laban sa Local Water Utilities Administration-Quezon City-A sa ninth at final round.

Pinangunahan ni So ang MMDA-Makati sa pagposte ng 2.5-1.5 na panalo laban sa Antipolo City sa seventh round at 3.5-.5 pag­lusot sa Roxas-Palawan sa eight round ng torneo.    

ANTIPOLO CITY

DAGUPAN CITY

DAVID ELORTA

DON GALO-PARA

JAYSON MERCADO

JIMSOON BITOON

JOEL PIMENTEL

LA SALLE-MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with