^

PSN Palaro

Thomas masusubukan ngayon vs Dragons

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Makikilatis kung ano ang kayang ibigay ng ba­gong import na si Steve Thomas sa pagsabak niya sa aksyon sa pagpapatuloy ngayon ng AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) Sea­son 2 sa Ynares Sports Are­na sa Pasig City.

Makikipagtuos uli ang Pa­triots sa Westports KL Dra­gons sa ganap na alas-4 ng hapon at pakay nilang mabalikan ang kopo­nang nagpalasap ng 81-96 kabiguan sa unang pagkikita sa MABA Gym sa Malaysia.

Ang kabiguang ito ay isa sa tatlong dikit na pagkatalo ng tropang pag-a­ari nina Mikee Romero at Tony Boy Cojuangco upang makita ang sarili na magkasalo sa Dragons sa ikalawa at ikatlong puwesto sa 6-4 karta.

Habang sumasadsad ang Patriots, umaangat na­man ang Dragons na na­nalo ng anim sa pitong hu­ling laro para makaahon buhat sa 0-3 panimula.

Ngunit malaki ang tsansa ng Patriots na mapigil ang pagtatalo na kinatampukan din ng 68-69 pagyuko sa Chang Thailand Slam­mers sa homecourt no­ong Nobyembre 20.

“He told me that he will do everything that I would ask from him. He is also determined to help the team because he practiced right away upon his arrival,” wika ni coach Louie Alas na ba­balik din sa pagmamando sa koponan matapos lumiban ng dalawang laro sanhi ng pagkakaroon ng trangkaso.

Mahalaga ang malagay sa unang dalawang pu­westo matapos ang triple round elimination dahil magtataglay ang mga koponan ng homecourt advantage sa cross-over semifinals na lalaruin sa isang best of three series.

BASKETBALL LEAGUE

CHANG THAILAND SLAM

DRA

LOUIE ALAS

MIKEE ROMERO

PASIG CITY

SHY

STEVE THOMAS

TONY BOY COJUANGCO

YNARES SPORTS ARE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with