^

PSN Palaro

La Salle belles dinispatsa ang NU Bulldogs

- Olmin Leyba -

MANILA, Philippines –  Pinangatawanan ng na­ngungunang La Salle kung bakit sila nasa una­­han ng standing matapos na magaang na dispatsahin ang National University, 25-11, 25-14, 25-9 at itakas ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa UAAP Season 73 womens volleyball tournament kahapon sa Arena.

Binalikat nina Jacqueline Alarca at Stephanie Mer­cado ang scoring ma­chine ng Lady Archers ma­tapos na maglista ng 13 at 11 puntos, ayon sa pagka­kasunod bukod pa ang ka­nilang kinanang tig-8 kills mula sa kabuuang 35 kung saan tinapos ng Taft-based spikers ang Lady Bulldogs (1-2) sa kalahating oras na labanan.

Pinayagan lamang ng DLSU ang NU na ma­kapun­tos ng 16 kills mula sa kani­­­­lang kabuuang pinakawalan na 91 kung saan si Maricar Nepumuceno ang siyang hinirang na top scorers ng Lady Bulldogs na may 16 puntos. Nakapuntos rin ang La Salle sa ginawang 21 errors ng NU.

“The girls played very well today while NU had a hard time receiving and setting up for their attacks,” wika ni La Salle coach Ra­mil de Jesus.

Samantala, itinakas na­man ng men’s division leader Far Eastern U ang ka­nilang ikatlong dikit na panalo matapos na payukurin ang NU, 25-12, 23-25, 27-25, 28-26.

Naglista si Rodolfo Labrador Jr., ng 19 puntos para pamunuan ang opensa ng Morayta-based netters na umangat na ng isang panalo mula sa DLSU.

Inangkin ng Green Archers ang kanilang ikala­wang sunod na panalo ma­karaang pagulungin ang University of the Philippines, 25-16, 25-18, 19-25, 17-25, 15-12, kung saan umiskor sina Chris Ma­ca­saet at Emilio Lee ng 25 at 17 puntos, ayon sa pag­kakasunod.

Bumagsak naman ang Bulldogs sa 1-2 karta, habang ang nalubog naman ang Maroons sa 0-2 kartada. 

CHRIS MA

EMILIO LEE

FAR EASTERN U

GREEN ARCHERS

JACQUELINE ALARCA

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY BULLDOGS

MARICAR NEPUMUCENO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with