^

PSN Palaro

PSC bubuhayin ang sports tie sa ibang bansa

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Bubuhayin uli ng Philippine Sports Commission ang sports ties sa ibang bansa upang mas mabigyan ng magandang pagsasanay ang pambansang manlalaro bilang pag­hahanda sa susunod na malakihang kom­petisyon.

Sinisipat ni PSC chairman Ricardo Garcia ang muling kausapin ang bansang China at Cuba upang buhayin ang sports tie-up na dati nang ginawa ng bansa habang nagpadala na rin siya ng proposal para sa sports exchange sa bansang Indonesia at Russia.

 “I still think that for our athletes to really improve, we should provide them with exposure and training outside the country,” wika ni Garcia.

Pero dahil limitado ang pondo ng Pilipinas sa mundo ng palakasan, kung kaya’t mas uunahin muna ng PSC ang training sa ibang bansa para makaranas ng world class training ang mga manlalaro ng bansa.

“Malayung-malayo na ang China, Korea at Japan kung sa Asian region ang pag-uusapan base sa Asian Games,” dagdag pa ni Garcia.

Mayroon na dating sports ties ang Pilipinas sa China at Cuba kung kaya’t inaasahang hindi na mahirap na buhayin ito habang bukas naman ang Indonesia at Russia na tulungan ang pambansang atleta.

Paghahandaan ng Pi­li­pinas sa 2011 ay ang Southeast Asian Games sa Indonesia bukod pa sa mga gagawing qualifying events para sa 2012 London Olympics.

ASIAN GAMES

BUBUHAYIN

GARCIA

LONDON OLYMPICS

MALAYUNG

MAYROON

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PILIPINAS

RICARDO GARCIA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with