^

PSN Palaro

Huling laban na ni Pacquiao sa mataas na division - Arum

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Si Antonio Margarito na ang lalabas na pinakama­laking boksingero na ma­kakalaban ni Manny Pac­quiao.

Mismong si Top Rank promoter Bob Arum na si­­­yang humahawak sa ca­­reer ni Pacquiao ang nag­­sabi nito upang matiyak na hindi na mauulit ang ilang araw na pag-inda ng pambansang kamao dala ng epekto ng paglaban sa mas malaking katunggali.

“At this point, I don’t want to put Manny in with another big guy, a guy even bigger than Margarito,” wika ni Arum sa panayam ng Boxing Features.

Umukit ng unanimous decision si Pacquiao sa mas malaking si Margarito nang nagtuos sila sa Cowboy’s Stadium para sa bakanteng WBC junior middleweight division.

Basag ang mukha ni Margarito sa matitinding sun­tok na pinakawalan ni Pacquiao at kinailangan nga na operahan ang kanang eye socket nito matapos mapuruhan ng mga power punches ng eight world division champion.

Ngunit may ininda rin si Pacquiao matapos ang laban dahil nasaktan siya ng malakas na suntok sa kanyang tadyang na ininda rin nito ng ilang araw.

“That fight really affec­ted him physically. He took a lot more beating in that fight that he did in his others. He got hurt, He’s banged up a little bit,” dagdag pa ni Arum.

Dahil sa nakita at sa pa­ngambang posibleng ikadisgrasya pa ito ng pambansang kamao kung aakyat pa ito ng timbang, mas ma­buti nang bumaba na sa 147 pound welterweight di­vision si Pacquiao sa mga susunod niyang laban.

Sa desisyong ito, hindi na maisasakatuparan ang planong pagkikita ni Pacquiao sa tulad ni Paul “The Punisher” Williams na kumakampanya sa middleweight division.

Pero hindi naman ma­­nga­ngahulugan na ma­gi­ging matamlay ang susunod na laban ni Pacquiao dahil pilit na isasara ni Arum ang pagkikita ni Pacman at ng walang talong si Floyd Mayweather Jr. na siyang nais na mapanood ng mga bo­xing fans.

BASAG

BOB ARUM

BOXING FEATURES

FLOYD MAYWEATHER JR.

MANNY PAC

MARGARITO

PACQUIAO

SHY

SI ANTONIO MARGARITO

TOP RANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with