^

PSN Palaro

Maiinit na sagupaan sa UAAP volley

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Iinit uli ang tagisan sa 73rd UAAP season sa paglarga ng second semester events sa susunod na Sabado.

Unang sasambulat ang aksyon sa volleyball sa Nobyembre 27 sa The Arena sa San Juan City upang ka­tampukan ang aksyon sa nalalabing walong sports dis­ciplines na nalalabi sa kompetisyon.

Kinabukasan sa Rizal Memorial Baseball Stadium ay gagawin naman ang pagbubukas ng baseball habang sa Disyembre 1 ay raratsada ang kompetisyon sa softball sa UP softball field.

Ang iba pang aksyon at ang pagbubukas ng laro ay ang Lawn tennis at chess sa Enero 8, fencing sa Ene­ro 9 at 10, football sa Enero 16 at ang huling event na track and field na itinakda sa Pebrero 1 hanggang 4 sa alinman sa Rizal Memorial Track Oval o sa University of Makati.

Ang closing ceremonies ay balak gawin sa Marso 12 pero maaari itong iurong depende kung matatapos sa tak­dang panahon ang aksyon sa volleyball.

Sa Araneta Coliseum balak gawin ang closing ce­re­monies dahil katatampukan pa ito ng streetdance competition sa walong paaralang kasapi ng UAAP.

Sa seremonya rin ipapaalam ang mga mahuhusay na atleta na kuminang at ang overall champion sa taong ito bukod pa sa turnover ng hosting.

DISYEMBRE

ENERO

IINIT

KINABUKASAN

MARSO

RIZAL MEMORIAL BASEBALL STADIUM

RIZAL MEMORIAL TRACK OVAL

SA ARANETA COLISEUM

SAN JUAN CITY

UNIVERSITY OF MAKATI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with