^

PSN Palaro

Muñoz uuwing luhaan, sibak na agad

- Ni Gerry Carpio -

GUANGZHOU--Wala nang nakikitang dahilan si Frances Audrey Muñoz para manalo laban sa Korea at Vietnam matapos mangulelet sa qualification round ng artistic gymnastics kahapon sa Asian Games Town Gymnasium.

Ang 17-anyos na si Mu­ñoz, nadapa sa sahig at tuluyan nang nasibak sa elimination round, ay tu­mapos bilang 10th sa individual qualification sa kanyang iskor na 9.300 sa floor exercises at 10.4 sa beam.

Hindi siya nakakuha ng iskor sa uneven bars at vault.

“I think my performance on the Beam was a bit okay, but on the Floor, I was a little stupid because I tripped,” sabi ni Muñoz na kagaya ni rhythmic gymnast Ma. Victoria Recinto ay nagsanay sa Canada ng tatlong buwan.

Kung bakit hindi siya inspirado sa uneven bars, “I don’t really have skills on bars.”

Nag-iisa lamang si Muñoz na sumabak sa kompetisyon.

“Definitely (I like) a full team. It would have been a lot more fun. Someone’s there to support you,” wika ni Muñoz.

Ang Korea, China, Japan at Uzbekistan ang mag-aagawan sa gold medals.

Si Thi Thu Huyen Do ng Vietnam ay may 12.750 sa beam na resulta ng pagsasanay niya sa China sa loob ng anim na taon.

ANG KOREA

ASIAN GAMES TOWN GYMNASIUM

BARS

BEAM

FRANCES AUDREY MU

NTILDE

SI THI THU HUYEN DO

UZBEKISTAN

VICTORIA RECINTO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with