Resbak ni Peñalosa, Margarito hanggang 3rd round lang
DALLAS - Alam ng isang dating world champion kapag may isang magandang laban.
Ayon kay Gerry Peñalosa, inaasahan niyang mapapabagsak ng kanyang kumpareng si Manny Pacquiao si Antonio Margarito ng Mexico sa loob ng three rounds.
“I don’t see the fight going past three rounds,” wika ni Peñalosa, isang dating world super flyweight at bantamweight champion na nagretiro na kamakailan.
Tiniyak ni Peñalosa na uupo siya sa ringside sa tuwing may laban si Pacquiao, isang dati niyang sparring partner, sa United States.
Sinabi pa ng 38-anyos na tubong San Carlos City, Cebu na madali niyang napili ang mananalo sa pagitan nina Pacquiao at Margarito matapos ang public workout ng mga ito.
“Wala talaga akong makita kay Margarito,” sabi ni Peñalosa sa Longhorn Exhibit Hall ng Gaylord Texan Hotel.
“Manny is too strong for Margarito, and he’s much quicker, too. Manny is even better than Shane Mosley and look what he did to Margarito last year,” dagdag pa nito.
Ayon kay Peñalosa, masyado nang mabagal si Margarito para kay Pacquiao.
“I’m putting my money on rounds one, two and three. It should be over by then, as long as Manny doesn’t stand in front of Margarito and allow himself to get hit,” sabi pa ni Peñalosa. Ayon pa kay Peñalosa na si Margarito ay isang ‘tailor made’ para kay Pacquiao.
- Latest
- Trending


















