^

PSN Palaro

Garcia nagyabang uli, Pacquiao babagsak sa 11th round

- Abac Cordero -

DALLAS - Tatlong araw bago tuluyang sumambulat ang labanang Manny Pacquiao at Antonio Margarito ay muling inulit ng trainer na si Robert Garcia ang pani­niwalang sa pamamagitan ng 11th round tutumba ang pambansang kamao.

“Knockout. No other way. I like the 11th round,” wika ni Garcia nitong Martes.

Sinasandalan ng kam­po ni Margarito ang ang­king bentahe sa laki at la­kas upang mabalewala ang bilis ni Pacquiao.

Dahil sa mas malaki, hindi pinoproblema ni Margarito ang suntok na paka­kawalan ni Pacquiao dahil sa paniniwalang kakayanin niya ito.

Pero kahit mas malaki, hindi naman magi­ging prob­lema para kay Marga­rito ang pag-abot sa catchweight na 150 pounds sa weigh in sa Biyernes (Sabado sa bansa).       

Ang paglalabanan ng dalawa ay ang bakanteng WBC junior middleweight title na nasa 154 pounds tim­bang.

“We have no trouble making weight. This morning he’s 150. He’s on weight already, dagdag pa ng trainer.

Sa gabi ng labanan ay sasampa si Margarito sa 160 hanggang 162 pounds pero hindi sila lalampas sa 165 pounds upang hindi lalong bumagal ang kanyang 5’11 boxer.

Wala namang takot si Roach sa pahayag na ito ng kalaban at patuloy siyang naniniwalang ma­daling laban ito para kay Pacquiao na sa tantiya ay mananalo sa loob ng wa­long rounds.

Ipinunto ni Roach ang mabagal na pagkilos ni Margarito sa media workout na ginawa nila ni Pacquiao sa Gaylord Texas Hotel.

Umabot lamang sa isang oras si Margarito na nag­pasiklab sa mga mama­mahayag bago bumaba ng ring at nagsagawa ng mga interviews.

“I think he’s still overweight,” wika ni Roach.

Sina Pacquiao at Mar­garito ay magkikita uli nga­yon sa isa pang press conference na bubuksan sa publiko na gagawin sa Cowboy’s Stadium na si­yang pagdarausan din ng la­banan sa Sabado.

ANTONIO MARGARITO

GAYLORD TEXAS HOTEL

MARGARITO

PACQUIAO

ROBERT GARCIA

SABADO

SHY

SINA PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with