Amit ayaw paawat sa pananalasa
MANILA, Philippines - Muling ipinakita ni Rubilen Amit ang kanyang pamatay na porma nang biguin ang kababayang si Anna Tulauan, 6-1, sa 2010 Yalin Women’s World 10-Ball Championship sa Nuvo City sa Libis, Quezon City.
Ito ang ikalawang panalo ng 28-anyos na si Amit matapos talunin si American Angel Paglia, 6-3.
“I was at the TV table when I played my first game and the pressure was really big so I struggled a lot and became a little bit nervous,” ani Amit, pinamahalaan rin ang nakaraang World Mixed Doubles Championship katuwang si living legend Efren “Bata” Reyes bukod pa ang pagrereyna sa 8-ball at 9-ball events ng 2009 Southeast Asian Games sa Laos.
Kailangan lamang ni Amit na manalo alinman kina Chen Tsai Pei ng Chinese-Taipei, American Dara Aft at kababayang si Abigail Anola, pumalit kay Johanna Espinoza ng Venezuela, para makausad sa knockout phase.
Umiskor si Chen ng 6-0 panalo kay Anola, 6-0, at kay Tulauan, 6-2, na tinalo rin ni Aft.
Tumipa naman si Paglia ng 6-2 tagumpay laban kay Tulauan. Natalo naman si Iris Ranola kay Spanish conquistador Amalia Matas, 4-6, sa Group 5 ng nasabing eight-group tournament na may $20,000 champion purse.
Ito ang unang kabiguan ni Ranola makaraang igupo sina Canadian Veroniuque Menard, 6-0, at Chinese Wu Jing, 6-2, sa opening day.
Maaari pang makasama si Ranola sa knockout stage kung mananalo alinman kina Korean Yu Ram Cha o Japanese Miyuki Fuke.
- Latest
- Trending